Wowowin, balik-telebisyon na ulit!

Matapos ang matagal-tagal ding panahon ng pagkawala sa ere, tila't may mga malalakas na haka-haka at spekulasyon sa posibleng pagbabalik sa telebisyon ng pamosong noontime show na Wowowin ni Willie Revillame. Isa ang Wowowin sa pinakasikat na variety show sa Pilipinas na kilalang kilala ng lahat sa loob at labas ng bansa ng dahil na din sa dulot nitong kasiyahan at mga papremyo. Ang mga tagahanga at sumusuporta kay Willie ay patuloy na nagtatanong kung babalik nga ba ang Wowowin sa ere at kung ano ang magiging anyo nito.

Isang mainit na paksa ngayon ang pagkakatanggal ng Tahanang Pinakamasaya ng TAPE Inc. sa ere at di maiwasan na mapaisip ang marami. Ang Wowowin na kaya ang papalit dito at magbabalik-GMA na si Willie Revillame. Kamakailan lamang ay may napabalita din na di umanoy babalik na nga sa ere ang Wowowin sa pamamagitan ng isang "business partner".

Nakahanap daw si Willie Revillame ng business partner sa katauhan ng isang billionaire businessman na si Antonio "Tony" Co. Ang tsaa, binili raw ni Mr Co ang multimillion yacht ni Willie Revillame kasama na din ang iba pang properties. Ngunit di pa dyan natatapos ang spekulasyon at malakas din ang ugong ugong na baka sa TV5 umere ang nasabing variety show bago raw ang Eat Bulaga ng TVJ. Ano sa tinging nyo mga FReSHQUAD?

Ganunpaman tuloy tuloy lang ang pagbibigay inspirasyon at saya sa pamamagitan ng mga provincial tours na isinasagawa ng nasabing programa. Tapos na nga ang Visayas at Mindanao, Eh ano pa nga ba ang susunod? Abangan natin ang Luzon leg ng tour ng Wowowin at atin ding abangan kung tuloy tuloy na ang pagbabalik ng nag iisang Willie Revillame at Wowowin.

Ano man ang kahantungan ng programang pinangungunahan ni Willie Revillame na Wowowin. isa lang ang hindi spekulasyon. Patuloy na nagbibigay saya at inspirasyon ang mga programang kagaya ng Wowowin. Ang magdulot ng saya at kaligayahan sa bawat tahanan na nanunuod nito. Sa huli ang mahalaga ay ang patuloy na pagtangkilik at pagsuporta ng tao sa mga programang kagaya nito anoman ang maging pagbabago sa hinaharap o sa kasalukuyan.

By Daddy G - March 12, 2024

Share this article: